Sabado, Pebrero 4, 2017

Long Distance Relationship Advice

Alam mo ba yung feeling na namimiss mo siya? Yung kung kelan kailangan mo siya sa tabi mo, dun siya wala. Alam mo ba yung feeling na  naiinggit ka sa mga couples na nasa tabi tabi? Alam mo rin ba yung feeling na gustong gusto mo siyang makita pero malabo?

Alam ko na kaya mo to binabasa kasi nasa isang long distance relationship ka. At nandito ako para bigyan ka ng mga tips and advice. Alam mo ba na "long dstance relationship is a challenge" kaya nga humahanga ako sa mga taong pumapasok sa relasyon na ito. Humahanga ako sa kanila kasi sumusubok sila kahit na alam nilang mahirap. Sa panahon ngayon, marami na ang nasa relasyon na ito. Kasi yung iba gusto nila na araw araw nilang kasama yung girlfriend/boyfriend nila. Pero teka lang, paano naman yung mga nasa LDR? Hindi rin naman kasi kailangan nakikita mo siya araw-araw. Hindi naman kasi nasusukat ang love kung gaano karami ang haplos, yakap, halik at mga titig niyo sa isa't isa. Nasusukat ito kung gaano niyo tinitiis na ituloy ang relasyon niyo sa kabila ng distansyang nakaharang sa pagmamahalan niyo.

Kaya nandidito ang ilang mga tips para mapatagal niyo ang relasyon niyo:

EFFORT- hindi lang naman to tungkol sa paggawa ng mga surprises. Hindi rin ito yung effort na makikita mo tuwing monthsary ng magbf/gf. Hindi rin ito yung effort na paghatid mo sa karelasyon mo tuwing umuuwi o pumapasok siya. Hindi rin ito yung effort na gagawa ka ng explosion box and etc. Kasi iba yung meaning ng effort sa mga taong nasa isang long distance relationship. Para sa kanila napapakita nila ang effort nila sa paraan ng pagtext o pagtawag sa kaniya. Sa pagtatanong at pag-aalala mo sa kaniya. At sa pagbibigay ng oras para lang makatext o makachat mo siya. Yang pagbibigay mo lang ng oras sa kaniya, effort na yan. Kasi dito niya nakikita kung gaano ka kaseryoso. Dito niya nakita kung gaano siya kahalaga sayo. At sa paraan na iyon, dun mo naipakita ang effort. At yung simpleng effort mo na yun. Dun mo siya napapasaya. 

TRUST- ito na siguro yung isa sa pinakamahirap gawin lalo na kapag nasa LDR ka. Kasi kadalasan ang trust ang sumisira sa isang relasyon. Nahihirapan kang magtiwala kasi nagdududa ka. Na baka hindi mo alam, habang ikaw ay nagpapakaloyal sa kaniya, siya naman yung nanloloko. Parang sinabi na nagpapakahirap ka na patagalin ang relasyon niyo pero siya parang happy happy lang. Yung tipong wala siyang pake sayo at may mas pake siya dun sa mga nakakasama niya. Or mas worst, may karelasyon na pala siyang iba. Pero teka! tigilan mo ang pagdududa. Magtiwala kalang sa kaniya. At kung talagang mahal mo siya, magtitiwala ka sa kaniya. Wag yung puro pangdududa. Walang mangyayare sa relasyon niyo promise, masisira lang kayo. Maniwala ka sakin.

LOYALTY-  mahirap bang maging loyal? hindi naman diba. Kaya kung gusto mong magtagal kayo ng karelasyon mo, wag kang magpapatukso. Kasi kadalasan yung mga lalaki jan, makakita lang ng mga sexy na babae, iiwan na nila yung girlfriend nila para lang jan. At sa mga babae naman, makakita lang ng gwapong lalaki, nakalimutan na pala niya na may boyfriend siya. Pero sa LDR, hindi yan pwede, Tandaan mo na mayroong nagtitiwala sayo kahit malayo ka. Na umaasa siya na kahit malayo ka, hinding hindi ka mangbababae o manlalalake. Kaya "loyalty is important"

COMMUNICATION- Ito na siguro ang pinakamahalaga sa LDR. Hindi man kayo parating nagkikita pero kailangan niyo pa ring mag usap. Kailangan niyo pa ring tanungin ang isa't isa. Kung kamusta kana ba o okay ka lang. Kailangan niyo ng communication para mapatagal ang relasyon niyo. Magparamdam kayo sa isa't isa. Kasi hindi naman porket malayo kayo sa isa't isa ay hindi na kayo magpaparamdam. Nanjan naman yung FACEBOOK, SKYPE, YM o kaya magtext o tumawag kana lang. Communication lang naman ang nandyan kapag may panahon na miss na miss mo na siya. Kaya gawin mo lahat ng makakaya mo para maipakita mo sa kaniya na mahal mo siya. Magkikita din kayo tiwala lang.

PATIENCE- sabi nga ng kaibigan ko "patience is a virtue". Kung mahal mo siya, matututo kang maghintay. Wag na wag mong ipapasok sa isip mo na nagsasawa kana. Na ayaw mo na. Kasi hindi yan makakatulong sayo. Dito kasi masusubok yung pasensya niyo kung gaano kayo tatagal. Kung gaano kayo katatag. Kaya kung mahal mo siya, kaya mo siyang hintayin.

LOVE- syempre hindi mabubuo yung relasyon niyo lalo na kapag walang love. Para san pa at naging kayo kung hindi niyo naman mahal ang isa't isa. Pero maliban nalang kung naglalandian lang naman kayo. Kung talagang nagmamahal ka, kahit gaano pa siya kalayo, kakayanin mo kasi mahal mo eh. Kasi kung lagi mo lang sinusukat kung gaano kayo kalayo sa isa't isa, walang mangyayare promise. Basta parati mo nalang isipin na mahal na mahal niyo ang isa't isa. At masaya kayo kahit na wala kayo sa piling ng isa't isa. Sapat na yan para tumagal kayo.

Marami pang ibang paraan para maging successful ang isang long distance relationship. At kung isa ka sa mga nasa LDR ngayon, ipagmalaki mo yan! Kasi bihira lang ang nakakatagal jan at isa kana dun!

Alam niyo ba na ang pumapasok sa isang LDR ay yung mga matatapang na tao. Kaya wag kang magpapaapekto sa mga taong nagsasabi na  'hindi kayo tatagal', 'masisira din kayo', 'hindi yan magwowork' and etc. Alam mo ba na kaya lang nila sinabi yun kasi hindi nila kayang maging kagaya mo. Hindi nila kayang maging matapang kagaya mo. Kaya tulad ng sabi ko sayo, ipagmalaki mo na nasa isa kang LONG DISTANCE RELATIONSHIP!

So ayun, sana makatulong yung pagbibigay ko ng tips and advices para sa inyo. At kung gusto niyo pa ng mga tips and advice about love, icomment niyo lang kung ano ang mga gusto niyong malaman. Thank you sa paglalaan ng oras para basahin ito :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento